Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Garcia, wagi bilang USG Pres sa katatapos na USG election ng USM; LSG-IMEAS di mapapabilang sa gagawing mass oath taking

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Nailuklok bilang bagong Pangulo ng University Student Government si Jacklyn Ann “Jackie” Garcia sa katatapos na halalan sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao kahapon.

Si Garcia ang nanguna buhat sa apat na mga Presidentiables na nakakuha ng 3,387 na boto at manumpa kasama ng mga bagong halal na opisyal ng USG-LSG-ASG na pangungunahan ni Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa.

Sa report ni Comelec Commissioner Leo Gayao nanalo naman bilang bise Presidente si Tagare Ruben, habang nanalo naman sa pagka senador sina Baluyo Rustom, Mangga Loreto, Donor Charlo, Yuro Ruzesellyn, Estrella Jessie, Agao Samraida, Murray DN Abubakar, Corpuz Aleana Grace, Valentino Rowena, Maturan Von Henry, Nambong Rhealyn at Sabado Jonard.

Samantala, sinabi ni OSA Director Dr. Nicolas Turnos hindi naman mapapabilang sa gagawing mass oath taking ngayong araw ang mga bagong halal na opisyal ng Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS dahil sa may kakulangan pa ang resulta ng mga ito.

Hindi naman idinitalye ni Dr. Turnos kung bakit nagka-aberya ang halalan sa IMEAS.

Kaugnay nito muntik na rin sanang magdeklara ng failure of election sa USM KCC pero agad naman itong nasolusyon. Rhoderick Beñez

Governors:
CIT-DIT: Quines, Elmer
CHS: Akot, Rolie Ahmad
ISPEAR: Esto, Jomar
CBDEM: Buday, Dexter Jade
CED: John Mar Desamparado
CENCOM: Tuboso, Romel
CA: Españo, Ronie
CHEFS: Cambe, John Paul
IMEAS: Pending declaration
CAS: Saldo, Jeno

Source: OSA Director Dr. Nicolas Turnos
COMELEC Commissioner: Leo Gayao


0 comments:

Mag-post ng isang Komento