(Maguindanao/ June 23, 2014) ---Isinailalim
naman sa state of calamity ang probinsiya ng Maguindanao matapos ang mga
pagbabaha sa lugar.
Ito ayon kay Board Member Jojo Sinsuat.
Sa ngayon unti-unti namang humuhupa ang
tubig baha sa 13 mga bayan na naapektuhan ng pagbaha sa Maguindanao.
Namigay na rin ng tulong ang Humanitarian
Emergency Action and Response Team (HEART) ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng mga pagbaha sa Maguindanao. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento