Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Passenger Van, hinold-up sa Matalam, North Cotabato; drayber at konduktor, nilublob sa sakahan

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Hinold-up ng mga di pa nakilalang mga kalalakihan ang isang passenger Van sa bahagi ng Matalam, North Cotabato kahapon ng hapon.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing van ay isang Grandea na kulay pearl white at may license plate MWC 559.

Sa hiwalay na report ni SPO1 Froilan Gravidez ngayong umaga nabatid na sakay ang dalawang supek buhat sa Digos City at pagdating sa harap ng Notre Dame of Matalam at sumakay ang dalawa pang mga suspek.

Habang tinatahak ang national highway galing ng Matalam papunta dito sa bayan ng Kabacan nagdeklara ng hold-up ang mga ito.

Isa sa mga suspk ang nagmaneho at dinala ang nasabing sasakyan sa bahagi ng Sitio Malabuaya, ng brgy. Kayaga, Kabacan.

Nilublob ang drayber na kinilalang si Jonadard Ba-ay, 27 anyos na residente ng brgy. Osias kasama ang conductor nito na si Luna Esteron, 25-anyos residente ng Magpet, North Cotabato sa isang sakahan.

Bandang alas 9:00 na kagabi ng pakawalan ng mga suspek ang biktima at tinangay ang kanilang collections kasama na ang van na nakarehistro kay Soledad Mochizuki residente ng Matalam.

Kapwa iniimbestigahan na ito ngayon ng Kabacan at Matalam PNP ang nasabing pangyayari. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento