(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2014) ---Tumaas
ng abot sa dalawang piso ang presyo ng commercial rice sa bayan ng Kabacan,
North Cotabato.
Sa pagtutok ni USM-Devcom Volunteer Cynthia
Lumogda nabatid mula sa mga nagtitinda mula sa loob ng Kabacan Public Market na
ang kakulangan sa supply ng bigas ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo
nito.
Nito pa umanong Hunyo a-20 nagsimulang
tumaas ang presyo ng bigas sa bayan.
Anila, dahil sa “lean season” ang buwan ng
Hunyo hanggang Oktubre inaasahan na nila ang pagsirit na presyo ng bigas.
Ito dahil kapag ganitong buwan, kaunti
lamang umano ang nangyayaring ani sa mga palayan dahil karamihan ay nasa
"vegetative stage" pa lamang.
Dahil sa pagbaba ng suplay ng palay,
tumataas ang presyo ng bigas.
Sa ngayon, ang ordinary rice na dati ay P35
ngayon ay sumipa na sa P37.00, M3 na P39 ngayon ay P40.00, Matatag na P41
ngayon ay P42 at MAsipag na P42 ngayon ay nasa P43.00 ang bawat kilo. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom
Intern Cynthia Lumogda
0 comments:
Mag-post ng isang Komento