Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED sumabog sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2014) ---Isang improvised Explosive Device ang sumabog sa provincial road, brgy. Sibsib, Tulunan, North Cotabato pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang nasabing IED ay gawa sa 81mm Mortar at nakabalot sa berdeng plastic container kungsaan cell phone ang inilagay na triggering device.

Ang nasabing pampasabog ay itinanim ng dalawang di pa nakilalang mga suspek sa harap ng bahay ni John Caniban.

Sinabi ni PSI Jojet Nicolas ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na wala namang may naiulat na casualties sa naturang pagsabog dahil sa malayo sa mga kabahayan ang pinangyarihan ng insedente.

Patuloy pang inaalam ngayon ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pagpapasabog. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento