By: Roderick Rivera Bautista
(Alamada, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Lubos
ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Alamada, North Cotabato sa iba’t-
ibang grupo na tumulong sa kinaharap nilang krisis sa nakalipas na buwan.
Sa ginanap na 45th Founding
Anniversary Program nitong Sabado ay ipinamahagi ng Local Government Unit of
Alamada ang certificates of appreciation sa mga sangay ng pamahalaan na
rumisponde sa cholera outbreak.
Kabilang din sa binigyan ng pasasalamat ang
ilang civil society organizations at non- government organizations na aktibong
nakibahagi upang tumulong sa mga apektadong pamilya.
Sinabi ni Alamada Mayor Virginia Concepcion
na naging masalimuot man ang kinaharap nilang krisis ay nagpapasalamat siya
kasama ng buong bayan ng Alamada sa mga organisasyong tumulong at patuloy na
tumutulong.
Nagagalak din ang alkalde na may mga grupo
ring handang umalalay sa mga apektadong mamamayan na bumangon at magsimulang
muli pagkatapos ng nasabing outbreak.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento