(North Cotabato/ June 18, 2014) ---
Laksa-laksang mga residente ngayon ang naapektuhan ng pagbabaha mula sa labin
isang mga bayan sa Maguindanao na lubog sa tubig baha dahil sa walang humpay na
pagbuhos ng malakas na ulan simula pa nitong nakaraang araw.
Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao
o ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia na kabilang sa mga bayang
apektado ay Mamasapano, Rajah Buayan, Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu
Piang, Datu Salibo, Shariff Saidona Mustapha, Pagalungan at Datu Montawal ito
batay na rin sa ginawang monitoring ng ARMM Humanitarian Emergency Response and
Action Team o HEART.
Batay sa ginagawang beripikasyon ng HEART
abot na sa pitong libong indibwal ang pansamantalang lumikas dahil sa pagbaha
ay posibleng madadagdagan pa ito dahil sa patuloy na pagbubuhos ng ulan.
Bukod sa mga mamamayan na naapektuhan
sinalanta rin ng baha ang mga agricultural crops liban pa sa apektado rin ang
serbisyo sa ilang Brgy. Health Centers at mga paaralang pinasok ng tubig baha.
Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng
ARMM HEART sa buong lalawigan habang nakahanda na rin ang mga pamunuanng
kalusugan at Rescue Team. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento