(Carmen, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Patuloy
na nagpapagaling ngayon sa USM Hospital ang isang 24-anyos na lalaki makaraang
mahulog sa puno ng Niyog sa Sitio Galay, Kibayao, Carmen, North Cotabato alas
9:00 kahapon ng umaga.
Sa nakuhang ulat ng DXVL News mula sa USM
Hospital kinilala ng kanyang tiyuhin na si Jayson Hasan ang biktima na si
Norodin Alba Idris residente ng nasabing lugar.
Umakya umano sa puno ng niyog ang biktima ng
makaramdam ng pamamaga ang kanyang kamay at di na nakakapit kaya nahulog na
ito.
Bumagsak ang biktima sa bubong ng bahay na
dahilan kung bakit nagtamo ng pasa sa puwet ang biktima.
Mabilis namang isinugod sa USM Hospital ang
biktima. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento