Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan hinikayat ang mga Businessmen na magpa-renew ng kanilang business permit bago ang deadline

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Hinikayat ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang mga negosyante sa bayan na mag-renew na ng kanilang business permit bago ang nakatakdang deadline sa Pebrero a-7.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Municipal Administrator Ben Guzman upang maiwasan ang mahabang pila at penalidad sa pagkuha ng permit.

Taon-taon ginagawa nila ang Business One Stop Shop upang mapabilis ang proseso sa pagkuha ng business permit.

Kabilang sa mga kakailanganin bago makakuha ng permit ay ang pag-apruba ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno kagaya ng Bureau of fire, Municipal engineering, Sanitary permit, pagkuha ng permit mula sa Public Employment and Services Office at maraming iba pa.

Sa ngayon ay halos kalahati na ang nakakuha ng permit sa LGU Kabacan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento