AMAS, Kidapawan City (Jan 14) – Tumulak na kahapon
patungong Cebu ang grupong “Kalivungan” ng Alamada National High School para
sumabak sa Sinulog Festival ng Cebu City
sa January 17-18, 2015.
Abot sa 225 na mga
dancers ang bumubuo ng grupong Kalivungan at sakay ang mga ito ng mga bus
patungong Cebu City kasama ang support group mula sa DepEd Cot, Alamada LGU at
Provincial Government of Cot.
Ayon kay Josephine
Abellana, Head ng Public Affairs And Tourism Sports Development Division o
PAATSDD na nasa ilalim ng Provincial Governor’s Office na matapos ang
mahaba-habang pagsasanay ng grupong “Kalivungan” ay handa na ito sa isa sa
pinakamalaking pagdiriwang sa bansa.
Matatandaang naging
1st runner up ang Alamada National High School sa Kalivungan Street
Dancing competition noong Sep. 1, 2014 sa pagdiriwang ng centennial o ika-100
taon ng Cotabato.
Kaya naman gagawin
raw ng grupo ang lahat ng makakaya nito upang makamit ang tagumpay at makamit
ang kampeonato sa Sinulog Festival.
Ipakikita naman ng
grupong Kalivungan sa Sinulog Festival Grand Parade at Street Dancing
Competition ang Tri-People o Muslim, Kristiyano at Lumad, ayon kay Nilo
Estorbo, Kalivungan Group Coordinator mula sa DepEd Cotabato Schools Division.
Todo suporta rin si
Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga estudyante at maging sa mga guro
at dance coaches ng grupong Kalivungan.
Ayon sa gobernadora,
kailangang suportahan ang mga kabataan sa mga sports, academic o cultural
competition upang maging lubos ang kanilang kahandaan at maipakita ang kanilang
buong talento at husay. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento