Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nag-amok sa Palengke, utas sa Shootout!

(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Hindi nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang lalaki matapos mabaril nang manlaban ito sa mga otoridad sa Demacompas Street, Poblacion 2, Parang, Maguindanao pasado alas sais ng umaga kahapon.

Kinilala ni Parang PNP OIC Supt. Seigfredo Ramos Jr. ang nasawi suspek na si Pogie Macatanong residente rin nang nabanggit na lugar.

Nakatanggap ng report ang PNP buhat sa isang concern citizen na may nag aamok sa palengke ng nabanggit na lugar at nagpapaputok ng baril.

Sa pagresponde ng kapulisan sa Pamilihang bayan, pinaputukan ang mga ito ni Macatanong gamit ang dalawang kalibre .45 na baril bagay namang gumanti rin ng putok ang mga otoridad dahilan para napaslang ang biktima matapos na ma-corner ng putok ng mga pulis.

Naisugod pa si Macatanong sa Regional Health service ng PRO ARMM subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Maliban sa dalawang 45 caliber pistol na may pitong bala ng suspek nakuha pa mula sa kanya ang isang magazine na may tatlong bala.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung anu ang dahilan ng pag aamok ni Macatanong habang patuloy na iniimbestigahn ang insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento