(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2015)
---Iba-iba ang pananaw ng taong bayan sa Kabacan hinggil sa pagdating ng Santo
Papa ngayong araw.
Sa ginawang pagkuha ng boses ng bayan ng
DXVL, may mga nagsasabi na positibo ang dulot ng pagdating ng pinakamataas na
opisyal ng simbahang katolika samantala ang iba naman ay hindi naman umano
mabago ang estado ng kanilang buhay kahit pa man bibisita ang papa sa bansa.
Malaki namang pagbabago para sa mga debotong
katoliko ang pagpunta ni Pope Francis sa Pilipinas dahil lalo pang mapatindi
ang kanilang pananampalataya.
Kabilang sa mga kinunan ng pahayag ang ilang
mag estudyante ng USM, mga vendors, mga tricycle drivers, prof ng USM, mga
volunteers sa simbahang katoliko, at kasapi ng ibang relihiyon.
Samantala, nanawagan si Catholic Bishop
Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Socrates “Soc”
Villegas sa sambayanang Pilipino na mainit na tanggapin si Pope Francis sa
pamamagitan ng pagbubukas ng puso, isipan at mga kamay.
Umapela rin siya sa mga mananampalataya na
lumabas sa kanilang mga bahay, magtungo sa mga papal events at luminya sa mga
lansangan na dadaanan ng popemobile.
Inisa-isa rin ng kanyang kabunyian ang mga
schedule at mga kalsada na dadaanan ng convoy na maaaring mag-abang ang mga tao
at tumanggap ng pagbabasbas ng Santo Papa.Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento