(USM,
Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Planu ngayon ng pamunuan ng
Pamantasan ng Katimugang Mindanao na repasuhin ang ilang mga curriculum upang
ma-i-angkop ito sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa Unibersidad.
Ilan
lamang ito sa mga hakbang na ginagawa ni USM Pres. Francisco Gil N. Garcia para
lalo pang mapa-angat ang kalidad ng edukasyon sa USM.
Ginawa
ng Pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang program sa DXVL ang Unibersidad
Serbisyo at Mamamayan o USM na mapapakinggan tuwing Sabado alas 6:00 hanggang
alas 7:00 ng umaga.
Inilahad
din ng Pangulo ang iba pang dapat na maisaayos sa pagpapataas ng kalidad ng
edukasyon sa loob ng pamantasan.
Isa
na dito ang gagawin nilang pagpupulong bukas January 14 kasama ang Commissioner
on Higher Education upang talakayin ang tungkol sa Outcome Base Education o
OBE.
Maliban
dito, planu rin ni Dr. Garcia na paiigtingin pa ang accreditation process,
hindi lamang sa lokal kundi dapat maging accredited din daw umano ang
pamantasan sa isang International Accrediting Agency nang sa ganon ay makilala
rin ang kanilang mga graduates sa ibang bansa. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento