(Kabacan, North Cotabato/ January 15,
2015) ---Nasa humigit kumulang 100 o 12% pa lamang ang naitalang nakakarenew ng
kanilang Business Permits sa kasasagsagan ng Business One Stop Shop o Boss
ditto sa bayan ng Kabacan mula noong Enero a-7 hanggang kahapon.
Ayon kay LGU Kabacan, Administrative
Officer Cecilia Facurib, nasa humigit kumulang 800 daang establisyemento ang
nakatakdang magrerenew ngayong taon.
Maalalang isang linggo na ang nakakalipas
ng maagsimula ang nasabing programa na kung saan ay naglalayong mapabilis at
komportable ang pagkuha at pagrerenew ng nasabing permits na kung saan ay nasa
iisang lugar na ang lahat ng departamentong meroong asignatura sa nasabing
papeles.
Magtatapos ang programa sa Pebrero
a-7 sa susunod na buwan ng taong ito at paglagpas ng nasabing araw ay merron
nang kaukulang penalidad.
Patuloy naman ang panghihikayat ng
LGU Kabacan sa mga negosyanteng na habang maaga pay kumuha na o magrenew na ng
kanilang mga Business Permits habang wala pang penalidad. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento