Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Klase sa Ugalingan Elementary school apektado parin matapos ang insidenteng pamamaril sa Punong Barangay

(Carmen, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Halos 2 linggo ng walang pasok sa mababang paaralang Elementarya ng Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay PSI Basilio Parcon, ang OIC Chief of Police ng Carmen PNP matapos ang karumaldumal na pamamaril patay sa  Punong Barangay na si Eleazar Pilapil noon pang Enero a-6 ng taong kasulukuyan .

Ayon dito, takot ng papasukin ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil narin sa isyu ng seguridad at kaligtasan.

Kaya naman nag-organisa ng pagpupulong ang Barangay Council ng Ugalingan sa isyu ng Peace and Order upang tuldukan na ang nadaramang takot ng mga residente sa nasabing Barangay. USM Devcom Intern Vanessa Reyes


0 comments:

Mag-post ng isang Komento