(Pikit, North Cotabato/ January 12, 2015)
---Patay ang suspek na sinasabing responsable sa pagbaril sa isang principal sa
Poblacion, Pikit, North Cotabato alas 12:10 ng tanghali kahapon.
Kinilala ni Task Force Pikit Commander Supt.
Jordine Maribojo ang biktima na si Robin Alamada, Principal ng Pagagawan
Elementary School sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao.
Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ang
biktima na mabilis na isinugod sa bahay pagamutan.
Personal grudge ang isa sa mga dahilan ng
nasabing pamamaril matapos na nakilala ang principal ang suspek, ayon sa
report.
Agad na nagkasa ng hot pursuit operation ang
Pikit PNP sa pangunguna ni PInsp. Sindato Karim, Task Force Pikit at 7th
Infantry Battalion ng Philippine army upang tugisin ang suspek.
Nang magsilbi na ng Arrest Warrant ang mga
PNP sa suspek na kinilalang si Ali Gumaga AKA Arnold Gumaga sa hangganan ng
Sitio Wangain ng Brgy. Ladtingan at Batulawan, Pikit ay nanlaban ang suspek.
Dahil dito nagkaroon ng ilang palitan ng
putok sa tropa ng pamahalaan at pangkat ng suspek dahilan din ng agarang
pagkamatay ni Gumaga.
Si Gumaga, ayon kay Supt. Maribojo ay isa sa
mga most wanted sa bayan ng Pikit at nahaharap sa kasong robbery at double
murder at may Criminal Case Number 11-048 at 12-312 na inisyu ng RTC Branch 18,
Midsayap, Cotabato.
Ang notoryos na suspek ay sangkot din sa
iba’t-ibang mga kriminalidad sa lugar kasama na ang highway robbery sa mga
passenger van na may biyaheng Davao-Cotabato.
Nareober sa crime scene ang baril na ginamit
nito na kalibre .30 at 5.56mm na ngayon ay nasa kustodiya ng Pikit PNP. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento