(USM,
Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Inihayag ni USM President Francisco
Gil N. Garcia ang pagkakaroon ng improvement sa instruction sa Pamantasan.
Pangunahin
na dito ang pagtaas ng rate ng mga USM faculty members na kung dati ay P10,000
kada buwan lamang mula noong taong 2008 ay naitaas na ito sa P13,000 kada buwan.
Tinalakay
rin ni USM president ang pagbaba ng oras ng serbisyo na dapat gugulin ng isang
faculty member kada linggo. Kung dati ay 40- oras ay 27- oras na lamang ngayon.
Nilinaw naman ni USM president na kung ang isang faculty member ay tumatanggap
ng sahod na P13,000 kada bwan ay 27- oras lamang kada linggo ang dapat niyang
gugulin sa serbisyo.
Bukod
dito, isa sa mga tinutukan ni University of Southern Mindanao President Francisco
Gil N. Garcia ay ang pagkakaroon ng mga proyekto ukol sa pagpapaganda at
pagsasaayos ng mga pasilidad sa loob ng unibersidad.
Isa
na dito ay ang pagpapaayos ng College of Business and Development Economic and
Management o CDBEM.
Tinalakay
din ni USM president Garcia ang tungkol sa pagpapagawa ng ‘shed for students’.
Ayon
kay president, ito ay upang ang mga estudyante ay hindi gaanong maulanan at
mainitan kapag sila ay naglalakad.
Dadag
rin nya, sisikapin rin daw umano na ito ay madugtungan pa papuntang gymnasium. USM Devcom Intern Lorie Joy Dela Cruz
0 comments:
Mag-post ng isang Komento