Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t- ibang grupo lalahok sa 2015 Halad Festival street dancing and showdown

By: Roderick Rivera Bautista
January 13, 2014

Iba’t- ibang grupo ang maglalaban sa dalawang kategorya ng 2015 Halad Indakan Sa Kadalan street dancing competition and showdown na idadaos ngayong darating na January 17, Sabado.

Labintatlong grupo ang magtatagisan ng galing sa local category.

Ang nabanggit na bilang ng mga kalahok ay binubuo ng mga GKK communities ng Archdiocesan Shrine of Sr. Sto. Niňo, academic institutions at iba pang civil society organizations dito sa bayan.


Samantala, limang grupo naman mula sa iba’-t ibang mga bayan sa Central Mindanao ang maglalaban sa open category.

Tampok ngayong taon ang Tribung Maguindanaon ng Pikit National High School mula sa bayan ng Pikit, Tribu Kablakanon ng Kabulakan High School , Tribu Sabuyakan ng Marbel National High School, at Tribu Manobo ng Dalapitan High School na mula pa sa bayan ng Matalam. Kasali din ang Lumba tribe ng Cotabato City State Polytechnic College.

Alas sais ng umaga ay sisimulan na ang street dancing competition mula sa Crossing Midsayap, kahabaan ng Quezon Avenue hanggang sa mismong tapat ng Archdiocesan Shrine of Sr. Sto. Niňo.

Gaganapin naman ang Halad Showdown sa Notre Dame of Midsayapo College open field.

Ang magwawagi sa open category ay mananalo ng cash prize na 100 thousand pesos habang 50 thousand pesos naman ang iuuwi ng magkakampeon sa local category.

Tema ng street dancing and showdown ngayong taon ay “Ang bayang matibay ang debosyon, pinagpapala ng Panginoon.”



0 comments:

Mag-post ng isang Komento