Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Planung pagpapalawig ng 2 taon sa pagkuha ng prangkisa ng mga miyembro ng KULTODA, pinag-aaralan pa ng SB

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Pinag-aaralan pa ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang petisyong inihain ng grupo ng Kabacan Unity Lines Tricycle and Operators Drivers Association KULTODA hinggil sa pagpapalawig ng dalawang taon ang pagkuha at pag-rerenew ng permit.

Ito ayon kay Committee on Transportation and Communication Councilor Herlo Guzman Sr., sa panayam ng DXVL News.

Aniya, isasagawa pa nila ang Public Hearing patungkol dito sa darating na February 2, ngayong taon upang malaman ang final na desisyon sa petisyong ito.

Sa ngayon ay masusing pinag-aaralan pa ng Committee ang ansabing petisyon.

Kung sakaling makalusot sa Sangguniang ang nasabing panukala, makakatipid ang mga tricycle drivers sa pagkuha ng police clearance at pagbabayad ng pledge at lalo na ang mga bagong aplikante na a-apply na papatak sa halagang 1,000.00 at 600.00 naman sa renewal.


Pero paliwanag pa ni Guzman Sr. na ang prangkisa ay kanila namang babayaran kada taon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento