AMAS, Kidapawan City (Jan 14) – Palalakasin pa ng Cotabato Provincial Disaster Risk
Reduction Management Operation Center o PDRRMOC ang kanilang hanay ngayong
2015.
Ayon kay Cot PDRRMOC Action Officer Cynthia Ortega, ito ay upang
lalong maging handa at epektibo sa emergency response ang kanilang hanay
partikular ang North Cotabato Emergency Response Team (NCERT) na siyang
pangunahing search and rescue group ng PDRRMOC.
Sinabi ni Ortega na sa nakaraang taon ay naging aktibo ang Cot PDRRMOC
sa pagtugon sa mga calamity situations kabilang ang mga baha, lindol at
vehicular accidents sa iba’t-ibang bayan sa Cotabato.
Naging epektibo rin daw ang kanilang hanay sa pagbibigay ng mga trainings
sa mga paaralan at iba pang tanggapan, ayon pa kay Ortega.
Sa kabila nito, nais ni Ortega na madagdagan pa ang kaalaman ng
kanilang hanay upang mas maging kapaki-pakinabang sila sa komunidad lalo pa’t
malaki ang kanilang responsibilidad sa mamamayan.
Patuloy naman ang suporta ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa
Cot PDRRMOC lalo na sa pagbibigay ng training-seminars para sa NCERT at sa
pagkakaroon ng mga karagdagang gamit.
Matatandaan na noong Agosto 2014 ay bumisita ang Cot PDRRMOC sa Central
911 ng Davao City upang makakuha ng karagdagan impormasyon at kaalaman sa
search and rescue operations. (JIMMY
STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento