(Kabacan, North Cotabato/ January 15,
2015) ---Isa ang naitalang patay dahil sa dengue sa huling Quarter ng taong
2014 sa bayan ng Kabacan.
Ayon kay Municipal Epidemiology
Surveillance Unit Disease Surveilance Coordinator Honey Joy Cabellon, ang
biktima ay galing sa Brgy. Poblacion ng bayan.
Ayon sa kanilang datus, nagkaroon ng
16 na kaso ng Dengue ang naitala sa 4th Quarter mas mababa sa
nakaraang 3rd Quarter na meroong 27.
Ang 16 na kaso ay naitala ay mula sa
Brgy. Aringay na meroong 1, 2 sa Brgy. Bangilan, 3 sa Dagupan, 2 sa Kayaga, 1
sa Nangaan, 6 sa Poblacion, at 1 sa Sangadong.
Sa record din ng MESU na ipinarating
sa DXVL News sa buong taon, nagkaroon ng 93 na kaso ng dengue at 41 sa mga ito
ay galing sa Poblacion.
Nakapagtataka namang nasa Poblacion
ang pinakamaraming naitatalang kaso ng nasabing sakit kahit paman ito ang
sentro ng bayan na kung saan ay babad sa mga kampanya para sa pagsugpo o pag
iwas sa nasabing sakit. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento