(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2015)
---Isang napakalaking prebilihiyo para sa mamamayang Pilipino ang pagdating ng
Santo Papa sa bansang Pilipinas.
Ito ayon kay Notre Dame of Kabacan
Directress Sister Rose Salazar, OND sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya ang pagdating ni Pope Francis sa bansa
ay iba ang dating dahil ang Santo Papa ay mas malapit sa tao lalo na sa mga
mahihirap.
Tinawag pa nitong Masang Santo Papa si Pope
Francis.
Sinabi pa ni Sister Salazar na ang pagdalaw
ng Santo papa ay maging inspirasyon po ng lahat at paggabay n asana ay mabago
an gating pamumuhay lalo na ang relasyon sa mga naghihirap na kapatid.
Inihayag pa nito na si Pope Francis ay ang
kauna-unahang Heswita na nailuklok bilang Santo Papa.
Ipinaliwanag din nito kung papaanu nailuklok
ang isang Santo Papa.
Pangunahin sa trabaho ng isang Santo Papa ay
to animate and make a life at pangunahan ang tao sa pagpapalapit sa Diyos, ayon
pa kay Sister Salazar.
Samantala, Mainit at masayang sinalubong ng
milyun-milyong Pilipino ang nakangiting si Pope Francis sa kanyang pagdating
para sa kauna-unahang pastoral at state visit nito sa Pilipinas.
Alas-5:32 ng hapon nang lumapag sa runway 06
ng Villamor Air Base ang Sri Lankan Airline A340 na sinakyan ng Santo Papa (may
Latin name na Jorge Mario Bergoglio).
Kasama ni Pope Francis ang 31-delegation
nito na nagmula sa Sri Lanka.
Sinalubong ni Pangulong Noynoy Aquino ang
Santo Papa kasama ang 12 miyembro ng kanyang Gabinete kung saan ay tinugtog ang
national anthem ng Vatican kasunod ang national anthem ng Pilipinas habang
nasa red carpet ito kasama ang Pangulo saka nito ginawa ang review of honors na
inihanda sa Santo Papa.
Humalik at nagmano ang Pangulo sa Santo Papa
nang salubungin nito sa ibaba ng eroplano.
Isa-isang nakipagkamay, humalik at nagmano
ang mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo sa Santo Papa at mga arsobispo, obispo
at CBCP officials habang dalawang batang orphan ang naghandog dito ng mga
bulaklak. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento