(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2015) ---
Umaasa ngayon ang pamunuan ng GPH-MILF na magiging maayos ang gagawing
transition sa pagpapalit ng bagong Bangsamoro Political entity.
Sa isang forum sa Provincial Capitol ng
Cotabato kamakailan, inihayag ni legal council ng GPH-MILF Atty. Al Jukipli na
ang nasabing batas ay magiging basehan sa pagtatatag ng bagong political entity
ng Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM kungsaan
dumaan ito sa tinatawag na legislative measures.
Dagdag rin niyang ipinaliwanag na sa kasalukuyan,
ang Bangsamoro Basic Law ay draft at proposal pa lamang. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento