(North Cotabato/ January 17, 2015) ---Patay on the spot
ang isang 76-anyos na lola habang dalawang iba pa ang binawian ng buhay habang
ginagamot sa ospital makaraang madisgrasya ang isang Weena Bus sa kurbadang
daanan ng Brgy. Pagangan, Aleosan, North Cotabato, pasado alas-10:35 kahapon ng
umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Jorlito Patrona,
Deputy Chief ng Aleosan PNP kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Clarita
Sereño, 76-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Midsayap; Danilo Daniel,
conductor ng Weena, Carmen, North Cotabato at isang pitong buwang sanggol na si
Regine Earl Ong Samson na residente ng bayan ng Mlang.
Sinabi ni Patrona, na nag overtake ang weena bus na may
plakang MWC-428 (Body Number 122) sa isang farm trailer sa kurbadang bahagi ng
Brgy. Pagangan, nang mag alangan ang driver kaya dumiritso na ito at nabangga
ng bus ang puno ng Mangga.
On-the-spot na binawian ng buhay si Sereño matapos na
matamaan ng sanga ng kahoy na pumasok sa harapan ng bintana ng bus dahil
nakaupo ang biktima sa harapan, ayon pa sa pulisya.
Ilan naman sa mga sugatan ay dinala sa iba't ibang
pagamutan sa North Cotabato at Cotabato city.
Hindi pa kinumpirma ng pamunuan ng Aleosan PNP ang
sitwasyon ng is apang biktima na si Jessa Samilliano, na taga-Malapag, Carmen.
Kinilala ang mga sugatan na sina Ramil samson, 25-anyos;
Analiza samson; Joshua palmaira; katherine palmaira; Mildred Palmaira, 37-anyos
pawang mga taga-M'lang North Cotabato
Maria Ventura, 35, taga-Poblacion 2 Midsayap; Margareta
Magbanua, 76-anyos; Nenita leonzaza, 70, pawang taga-carmen, North Cotabato;
Samuel morales; Rolita Ridaya, 18-anyos, pawang mga taga-Pagangan, aleosan;
Melrose Lopez, 33-anyos; Ivony Jazz Lopez, 24, pawang taga-Buldon, Sultan
Kudarat;
Lia Evangelista, 33-anyos taga-South Upi, Maguindanao;
Criema Canja, 5 years old; John Asebo Canja, 27; Mirabiya Canja, 38-anyos;
Shiela Marie Ong, 20-anyos pawang mga taga-M'lang, North Cotabato
Joselito Takya, 53, taga-kidapawan City; Triasese Bello,
16, taga-Cotabato City; Staff Sgt. Joseph Santanes, 42, kasalukuyang
nakadestino sa Carmen, taga-Midsayap, North Cotabato; At isang Ingka Tiromama,
55-anyos, taga-Simuay, Sultan Kudarat.
Samantala nagtamo naman ng gasgas sa katawan ang drayber
ng trailer pero di naman ito masyadong napuruhan.
Ang Bus ay galing ng Davao City papuntang Cotabato city
ng madisgrasya sa Aleosan.
Hindi pa matukoy ng kapulisan kung ilan ang sakay ng Bus
habang ginagawa ang panayam na ito ay hindi pa nakukuha sa crime scene ang bus
na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung anu ang totoong
nangyari. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento