Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED, narekober malapit sa bahay ng Alkalde

(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Muling nasilat ang tangkang pagpapasabog sa bayan ng Midsayap makaraang marekober ang itinanim na Improvised Explosive device o IED sa hangganan ng barangay Poblacion 7 at Central Glad.
Sa report ng Midsayap PNP, pasado alas otso kagabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagkakatagpo ng kahina hinalang bagay na pinaniniwalaan nilang bomba.

Agad nagtungo sa lugar ang mga pulis at EOD team at nadiskubreng positibo ang report habang wala na duon ang mga suspek na pinaniniwalaang nag assemble nang naturang pampasabog.
Ang nasabing Unexploded improvised ay gawa sa 81 millimeter mortar sa boundary ng barangay Poblacion 7 at Central Glad.
Ang bomba ay itinanim hindi kalayuan sa bahay ni Midsayap Mayor Romeo Araña.
Walang pang grupo na umamin ng nasabing pagtatanim ng IED. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento