Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tulak droga, utas sa shootout!

(Pikit, North Cotabato/ January 14, 2015) ---Napaslang ang isang 32-anyos na lalaki na sinasabing tulak droga matapos na manlaban sa mga otoridad sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato alas 2:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo, ang suspek na napatay na si Misuari Mulod, 32-anyos at residente ng brgy. Lagundi ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng check point ang mga elemento ng Task Force Pikit sa itinatag na Buisan based detachment kanilang pinara ang dalawa katao na lulan ng motorsiklo na walang plaka.

Sa halip na huminto sa detachment, humarurot ng takbo ang mga suspek at tinakasan ang mga pulisya at militar.

Agad namang hinabol ng mga otoridad ang tumakas na mga suspek pero nagpaputok ng una ang mga suspek dahilan para gumanti rin ng putok ang tropa ng pamahalaan.

Isa sa mga suspek nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan habang ang isa naman ay nagawa pang makatakas.

Ayon sa ulat naisugod pa sa bahay pagamutan ang sugatan suspek pero di na ito ng umabot pa ng buhay sa ospital.

Ang suspek na kinilalang si Mulod ay may dalawang standing warrant kaugnay sa paglabag sa RA 9165 na inisyu ng RTC branch 18.

Samantala ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek ay nasa kustodiya pa ngayon ng Pikit PNP para sa masusing imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento