(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Kinumpirma ng
pamunuan ng Integrated Provincial Health Office o IPHO Maguindanao na walang
Dengue outbreak sa Maguindanao.
Sinabi ni IPHO-Maguindanao chief Dr. Tahir Sulaik na
walang basehan para sabihing laganap ang sakit na Dengue lalo pa at hindi pa
naman nangangahalati ang unang buwan ngayong taon.
Sa ngayon ang pinanghahawakan lamang na daytus ng
IPHO ay ang mga naitala noon 2014.
Sa kanilang talaan, tumaas ng 132% ang kaso ng
Dengue sa Maguindanao mula Enero hanggang Disyembre noong 2014 kung ikukumpara
sa parehong panahon noong 2013.
Ayon kay Sulaik mula sa naitalang bilang, anim ang
namatay na pawang mga menor de edad, na apat na taong gulang pataas.
Samantala, tiniyak naman ni Sulaik na mas
paiigtingin pa nila ang kampanya kontra Dengue ngayong taon at sisikaping
bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit nito.
Hinihikayat naman nito ang mga mamamayan na
ipapagpatuloy ang nasimulang kampanya sa bawat barangay sa Maguindanao na
'Dengue Nakamamatay, Kaya Kilos na Barangay'. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento