Photo by: Crispin Tuscano Jr. of DXVL News |
Ayon kay LGU Kabacan Municipal Engr.
Noel Agor, pinaplantsa na nila ang mga hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng
planong ito.
Sinagot naman ng opisyal ang reklamo
ng mga residente tungkol sa nakatambak na mga lupa at buhangin na may mga basur
at mga kangkong sa gilid ng kanal na galling sa kanilang paglilinis sa Matalam
St. Brgy Pob.
Anya, hindi raw muna nila ito kinuha
sapagkat pangit umanong ibyahe ito na basa pa at masangsang ang amoy at kanila
munang pinapatuyo at inasahang makukuha na ang mga basura nito hanggang bukas.
Dagdag pa ni Agor na ang mga basura
at mga kangkong o residue lamang ang kanilang kukunin at maiiwan sa lugar ang
lupa na may kasamang buhangin at nanawagan na kung sino man ang mga residente
sa lugar na gustong gamitin ang mga ito bilang pangtambak sa kanila kanilang
mga lote ay pupwede nila itong kunin.
Ito ang naging tugon nito matapos ang
reklamong ipinaabot ng ilang mga residente sa lugar.
Nanawagan naman ang opisyal sa lahat
ng mamamayan ng Kabacan na kung mamari ay maging responsible sa kanilang mga
basura at huwag itong itapon kung saan lalong na sa mga kanal, sapagkat isa ito
sa mga sanhi kung bakit bumabara ang mga ito at magiging dahilan na naman ng
panibagong reklamo. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento