Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Resulta ng imbestigasyon sa Treasurer’s Robbery posibleng mailalabas na sa susunod na linggo

(Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Hanggang sa kasalukuyan wala pa ring inilalabas na resulta ng finger prints ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO hinggil sa panloloob at panraransak sa Kabacan Treasurer’s Office.

Ayon kay PCI Ernor Melgarejo aabutin pa ng isa o dalawang linggo bago mailabas ang resulta ng imbestigasyon.

Posibleng sa susunod na linggo pa malalaman ang resulta ng final na imbestigasyon.

Nanawagan din si Melgarejo sa mga mamamayan na maging alerto at suportahan ang mga kapulisan at BPAT.

Humingi din siya ng despensa sa mga mamamayan na naabala ang biyahe dahil sa ginagawang checkpoints dahil sa mas pinaigting na seguridad sa bayan.


Aniya ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho para tiyakin ang seguridad ng mamamayan. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento