Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Opisyal ng SP, ikinadismaya ang mga planung pamomomba sa lalawigan

BM Kelly Antao
(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Nagbigay ng pahayag si Board Member Kelly Antao bilang chairman ng committee on peace and order sa lalawigan ng North Cotabato hinggil sa sunod sunod na pagkakarekober ng improvised explosive device o IED sa lalawigan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Antao ang kalungkutan sa kagagawan ng rebolusyunaryong grupo. 


Aniya, wala umanong makukuha ang mga ito at ang mga nabibiktima ay ang mga taong walang kalaban laban.

Nagbigay din ng direktiba si Antao sa mga kapulisan at militar at sinabing ang problema sa peace and order ay concern ng bawat mamamayan. 

Dagdag pa niya na dapat ang bawat isa ay maging mapagmasid at maging vigilante.

Nanawagan din si Antao sa mga mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno, kapulisan at militar upang masugpo o ma minimize ang kaguluhan sa probinsiya at makamit ang kapayapaan. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento