(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patuloy
pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pres. Roxas PNP upang alamin kung anu
ang motibo sa pagbaril patay sa isang guro sa Pres. Roxas, North Cotabato
kamakalawa ng umaga.
Ayon kay PSI Rommy Castañares hepe ng Pres.
Roxas PNP family fued o rido ng pamilya ang isa sa sinusundang anggulo ng
kanilang imbestigasyon hinggil sa pagpaslang sa kinilalang biktima na si Marato
Ampatuan, isang guro sa liblib na paaralan sa Datu Sundangan Elementary School
sa nasabing lugar.
Sa panayam ng DXVL news sa opisyal na wala
umanong kinalaman sa trabaho bilang guro ni Sir Marato Ampatuan ang pagpaslang dito
dahil kilala naman umanong mabait ang guro ayon sa mga katrabaho nito.
Dagdag pa ni Castañares na balik sa normal
ang klase sa paaralan at nakipag ugnayan na sila sa mga baranggay officials
upang tumulong sa pagbabantay sa seguridad. Inilarawan din ni Castañares ang
pagkakakilanlan ng mga suspek.
Ayon pa kay Castañares, sa pangkalahatan ay
normal ang sitwasyon ng peace and order sa bayan ng Pres. Roxas at pagsisikapan
ng PNP na maibigay ang hustisya sa biktima. Rhoderick Beñez and Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento