(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Patuloy pa
ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung anu ang motibo sa
panibago na namang pagpapasabog sa Cotabato City, pasado alas 9:00 kagabi.
Batay sa ulat ng mga pulisya, pinasabugan ang bahagi
ng Gonzalo St. sa kanto ng Ugalingan St. Rosary Heights 7, ng lungsod kungsaan nagmula
ang pampasabog sa M-203 grenade launcher base sa narekober na splinters.
Wala naman naiulat na nasugatan o namatay sa
insidente maliban sa bahagyang pagkasira ng tanggapan ng Sultan Kudarat Descendants
Organization of the Philippines.
Nasa kustodiya na ngayon ng PNP Explosive Ordnance
Disposal at Scene of the Crime Operatives o SOCO ang mga narekober na ebidensya
para pagaralan ito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento