Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

GPH-MILF Peace Panel seryosong ipatutupad ang BBL, mamamayan hinimok na tumulong sa paghahanap ng kapayapaan

AMAS, Kidapawan City (Jan 15) – Gagawin ng Government of the Republic of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front o GPH-MILF Peace Panel ang lahat ng makakaya nito upang maisakatuparan ang layunin ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Atty. Al Jukipli, miyembro ng Legal Team ng GPH-MILF, seryoso ang kapwa panig na maipatupad ng nilalaman ng BBL bilang basehan o gabay ng proposed Bangsamoro Government.

Nagsalita si Atty. Jukipli sa harap ng iba’t-ibang sektor sa ginanap na Information Education Campaign o IEC on the BBL sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City kamakalawa.


Nagbigay siya ng update at pinakabagong impormasyon patungkol sa BBL na sa ngayon ay tinatalakay pa sa Senado at Kongreso ngunit patuloy naman ang mga forum at consultation na ginagawa para ditto.
Dumalo rin ang mga representante ng Office of the Presidential Affairs on the Peace Process sa aktibidad at namahagi ng primer ng BBL.
Ikinatuwa naman ng Provincial Government of Cotabato ang naganap na IEC dahil paraan ito upang maipabatid sa mamamayan kung ano ang BBL at ang proposed Bangsamoro Government .
Ayon kay Cot. Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, dapat marinig ang saloobin ng mga Cotabateños sa usapin ng kapayapaan partikular ng BBL at proposed Bangsamoro Government.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernadora na maraming katanungan ang nais masagot ng mamamayan ng Cotabato katulad na lamang ng pamamalakad ng mga barangay na mapapasali sa Bangsamoro Core Territory.
Aktibo namang nakiisa sa IEC ang mga Cot. Board Members na sina Loreto V. Cabaya, Jr., Kellie U. Antao, Jomar Cerebo at Dulia Sultan at pati na ang mga department heads ng Provincial Capitol.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang mga partisipante sa open forum kung saan nilinaw ni Atty. Jukipli ang mga isyu at sinagot ang katanungan ng mga partisipante at sa kabuuan ay sinabi nitong ginagawa ng GPH-MILF ang lahat ng paraan upang matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Kailangan rin daw ang sinserong pang-unawa at tulong ng mamamayan, dagdag pa ni Atty. Jukipli. 
Kabilang sa mga sektor na dumalo sa IEC ay government at LGU’s, business, police and military, academe, students, Non-Government Organizations, media at iba pa. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento