(Carmen, North Cotabato/ January 15, 2015)
---Patuloy pa ngayong inaalam ng mga otoridad kung anu ang sanhi ng pagsabog ng
granada sa bayan ng Carmen, North cotabato kamalawa ng gabi.
Ayon kay PSI Julius Malcontento, hepe ng
Carmen PNP kinilala nito ang biktima na si Melanie Marcelino,43-anyos, dalaga
at residente ng Purok 7, Brgy. Poblacion Carmen, Cotabato.
Ang pagsabog umano ay naganap 8:16 ng gabi
noong martes sa harap ng bahay malapit sa pintuan ng biktima.
Sinabi ng opisyal na isang Hand Fragmentation
Grenade na isang uri ng granada ang sumabog.
Ayon umano sa imbestigasyong isinagawa ng
kapulisan, ang pagsabog umano ay nagmula sa loob ng bahay malapit sa pintuan.
Isa naman sa sinusundang sanhi ng pagsabog
ng granada ay sinasabing ‘Self Accident’. Subalit idiniin din naman ni PSI
Malcontento na nagpapatuloy parin ang imbestigasyon at nakasalalay dito ang
ilalabas nilang impormasyon. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento