Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Transmission line ng NGCP, pinasabugan!

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Pagalungan, Maguindanao alas 8:45 kagabi.

Sa report, ang nasabing pinabagsak na tore ay ang tower 26 ng NGCP sa Brgy. Galakit na nagdulot naman ng malawaking brownout sa central Mindanao.

Wala pang grupo o indibidwal na umako sa pagpapasabog subalit napag-alaman na maraming grupo ng mga rebelde ang kumikilos sa nasabing lugar.


Pinaniniwalaan na gawa sa Improvised Explosive Device IED ang ginamit sa naturang pag-atake na pumutol sa daloy ng koryente sa maraming bayan sa North Cotabato at Maguindanao kabilang ang Cotabato City.

Naapektuhan sa pagsabog ang 138KV Transmission Line ng NGCP na tumatahak sa nasabing lugar.

Naibalik ang serbisyo ng kuryente dakong 11:45 ng gabi.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na posibleng pangingikil ang motibo ng nasabing pagpapasabog na ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento