(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Kasalukuyan
pa ring nakasalang sa kongreso at senado ang Bangsamoro Basic Law o BBL draft
ayon kay Atty. Al Jukipli ang legal team ng panel.
Inihayag ni Jukipli sa BBL forum na ginanap
sa Amas Provincial Capitol rooftop na may mga consultation pa at public hearing
na naka schedule sa kongreso at senado at posibleng sa Marso pa mailalabas ang
approved enrolled version ng BBL na maari nang lagdaan.
Ipinaliwanag din ni Jukipli na ang mga
ipinamamahagi at tinatalakay na BBL ay hindi pa ang final form nito at maari
pang mabago.
Dagadag pa niya na naka schedule na ang posibleng petsa ng
plebisito.
Samantala, gaganapin naman ngayong buwan ang symbolic turn over ng pagbaba ng
mga armas ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF alinsunod sa
decommissioning process.
Ito ang inihayag ni Atty. Al Jukipli ang
GPH-MILF member ng legal team sa isang information Education campaign ng
Bangsamoro Basic Law o BBL na pinangunahan ng provincial government sa pamumuno
ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza sa Capitol Rooftop, Amas,
Kidapawan City kahapon ng umaga.
Ipinaliwanag din ni Jukipli ang tungkol sa
decommissioning process at binanggit din niya na ang mangagasiwa nito ay
independent third party body na kabibilangan ng international at lokal experts.
Rhoderick Beñez and Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento