(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16,
2015) ---Upang hindi na maapektuhan ang Performance Based Accomplishment ng
University of Southern Mindanao, planu ngayon ng pamunuan ng USM na ipasara ang
mga programs na limang taon at mahigit na walang enrollees.
Ito ang sinabi ni USM Pres. Francisco Gil N.
Garcia sa kanyang lingguhang programa na Unibersidad Serbisyo at Mamamayan sa
DXVL tuwing Sabado alas 6:00-hanganggang alas 7:00 ng umaga.
Kabilang sa mga kursong pansamantalang
isinara ay ang Tourism at Pharmacy dahil sa mababa ang enrollee nito.
Kasalukuyan pa umanong pinag- aaralan kung
alin pang mga kurso ang wala nang enrollee sa nakalipas na limang taon at
maaari nang tuluyang isara upang di na maapektuhan ang PBA ng pamantasan.
Samantala,
Muli na namang bubuksan ang kursong Bachelor of Science in Criminology na
pansamantalang isinara noong nakaraang taon.
Kaya naman sa mga estudyanteng
nagnanais na kumuha ng kursong BS in Criminology ay maaari na ninyo itong e-
enroll sa darating na enrollment para sa School- Year 2015- 2016. USM Devcom Intern Lorie Joy dela Cruz
0 comments:
Mag-post ng isang Komento