Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ika 17 Anibersaryo ng Lungsod ng Kidapawan, pinaghahandaan na

(Kidapawan City/ January 15, 2015) ---Nagpatawag ng Preliminary Press Conference ang LGU Kidapawan Tourism Office bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa paparating na ika-17 taong Foundation Anniversary sa susunod na buwan ng Pebrero taong 2015, alas 11:00 ng umaga kahapon.

 
Ayon Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, magiging libre ang lahat ng events sa nasabing aktibidad, highlights din sa pagdiriwang na ito ang ibat-ibang aktibidad ng magsusulong ng turismo sa nasabing lungsod kagaya ng presentasyon ng ibat-ibang
katutunong grupo, Barangay Pasiklaban, Cheer Dance Competition, Color and Neon Run for Fun, “Peace Concert” tampok ang ibat-ibang Local Bands, Stand-up Comedians, at ang bandang ASIN at marami pang iba.

Inanunsyo din ng Alkalde na wala muna magaganap ng Search for Mutya ng Kidapawan sa nasabing aktibidad sapagkat kanila muna itong pinaplantsa at dumaan pa sa overhauling ang nasabing patimpalak ngunit inaasahan namang maipapalabas ito sa darating ng buwan ng Oktobre sa bagong at mas pinagandang konsepto nito.

Planado narin umano ang Security Plan, sa nasabing aktibidad. Meron umanong nakaassign na Security Team na magbabantay sa mga entrance at exit points sa Pob. At merron ding nakaantabay na security personnel’s sa City plaza.

Ipagbabawal din sa nasabing aktibidad ang pagdala at paginom ng mga nakalalasing na inumin, pagpasok ng lasing, at pagdala ng backpack.

Aabangan din ang engrandeng Fireworks Display sa finale ng nasabing aktibidad.

Tinatayang nasa P3.5 milyon ang ilalaang pondo para rito. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento