Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Programang pang Imprastraktura ng LGU Kabacan para sa 1st Quarter ng taong 2015, Binabalangkas

(Kabacan, North Cotabato/ January 12, 2015) ---Inaasahan nang maiimplementa ang mga nakahilirang programang pang imprastaktura ng LGU Kabacan Engineering Office sa bayan sa 1st  quarter ngayong taon.

Ayon kay LGU Kabacan Municipal Engineer Noel Agor sa panayam ng DXVL News, ang mga proyektong ito ay ang mga sumusunod.

Extension ng Covered Court at Concreting of Roads sa bahagi ng bahay ni Brgy. Kapitan Manuel sa brgy. Kilagasan.


Concreting of Culvert at Raquel Compound at Gomer’s Residence at ang papatapos nang Culvert sa Purok Bliss sa Brgy. Katidtuan.

Concreting of Gutter of Covered Court at Basketball Court sa Osias High School sa Brgy. Osias.

Lupon Renovation of Building sa Brgy. Malamote.

Concreting of roads sa Cable Area sa likod ng Munisipyo, Jeric Guzman Area, Aniñon Residence sa pagitan ng Bonifacio at Malvar kasali ang area ng Alado,  at sa Sales, Cabading at Galas Residence sa Purok Villanueva, at Pati narin ang Drainage ng Purok Masagana sa Brgy. Poblacion.

Dagdag pa ng opisyal, na meron pa silang ipapahabol na mga proyekto kung makakayanan pang paglaanan ng pondo ngayong 1st  Quarter gaya nang Maintenance ng Market Drainage, Concreting of Datu Piang St., Concreting of Datu Mantawil irrigation, Concreting of roads at Jhon Cadi Residence sa Sunrise, at sa Arcedo St. sa tabi ng ABC sa Brgy. Pob. Parin, Contreting of Circumferencial Roads sa with in barangay hall sa Brgy. Upper Paatan, Stage ng Nangaan Elementary School sa Brgy. Nangaan, at roofing of School Building Extension sa Brgy. Simone, ngunit kung di na ito maisasala ay mahuhulog ito sa mga proyekto sa 2nd Quarter.

Ito ang tugon ng opisyal sa mga reklamong ipinaabot ng mamamayan ng Kabacan tungkol sa kanilang mga problema sa larangan ng imprastraktura, mga lubak lubak na daan, mga umaapaw na kanal at iba pa.

Anya hindi naman umano natutulog ang LGU Kabacan sa paggawa ng mga proyektong makakatulong sa pag unlad ng Kabacan at gumagawa sila ng paraan para masolusyonan ang mga reklamong ipinararating sa kanila.

Una na rin kasing inulan ng text messages ang DXVL Radyo ng Bayan kaugnay sa iba’t-ibang reklamo sa mga lubak-lubak na kalsada sa iba’t-ibang lugar sa bayan. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento