(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015)
---Tiyak nang matatamasa ng mga kasambahay ang kanilang mga karapatan,
alinsunod sa ipinatupad na Kasambahay Law.
Ang Batas Kasambahay o Kasambahay Law, RA
10361 ay naipatupad noong ika-4 ng Hunyo,2013.
Malaking pag-usad ito dahil sa tinagal- tagal
ng panahon at sa dami ng mga taong naghahanap- buhay bilang kasambahay, ngayon
lang naisabatas ang mga karapatan ng isang kasambahay at ng kanilang amo.
Marami sa ating mga kasambahay ang umaasa
lamang sa awa ng kanilang amo at awa na iyon din ang pinagmumulan ng
pang-aabuso mula sa sobrang pahirap sa pagtatrabaho na halos walang sweldo
hanggang sa panggagahasa at walang awing pananakit at pang-aalipusta.
Ayon
sa panayam ng DXVL NEWS kay Rubby Carrasco ang Technical Support Services
Division Head ng DOLE 12, kabilang umano sa mga karapatan nila ang makakain 3
beses sa isang araw, ang magkaroon ng sapat na tulugan, medical assistance,
privacy, at access to outside communication at kung maari daw umano ay magkaroon
din sila ng action to education and training at iba pa.
Sa
ngayon, nagsagawa na ng Information Dissemination ang Department of Labor and
Employment o DOLE 12 sa mga nasasakupang probinsya nito patungkol sa Batas
Kasambahay. USM Devcom Intern Lynneth A. Oniot
0 comments:
Mag-post ng isang Komento