(Amas, Kidapawan City/ January 8, 2015) ---Pinarating
ng ilang mga guro ang kanilang reklamo ukol sa hindi pag- refund ng kanilang
sariling gastos para sa mga isinasagawang district level conferences at
meetings.
Itinanggi naman ni Cotabato School’s Division
Superintendent Omar Obas ang reklamo
ukol dito.
Iginiit nito na kasinungalingan lamang ang
inirereklamo ng mga guro ukol sa hindi pag- refund sa kanilang sariling gastos.
Sinabi niyang kung narereflect daw umano
nila iyon sa kanilang EIP na ginagawa din mismo ng mga paaralan ay maaari nila
iyong e- charge sa MOOE.
Dagdag nya ring ipinaliwanag ang tungkol sa
inereklamong hindi agarang pag- release ng 5, 000 pesos na halaga ng PEI.
Paliwanag niya ay hindi raw nila maaring
pwersahin ang mga tao na mag- overtime bagamat ang division office lalo na ang
accounting at finance section ay nagkaroon na umano ng overtime.
Subalit ang iba pa raw na hindi nila
kontrolado ay hindi nila maaring obligahin na mag- overtime para lang ma i-
release ang P5,000 na PEI. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento