By: Roderick Rivera
Bautista
(Midsayap, North
Cotabato/ January 6, 2015) ---Nais ng mga kasapi ng irrigators associations sa
Distrito Uno na matutukan ang clearing of drainage canals at maisaayos ang
daluyan ng patubig ngayong 2015.
Ito ang idinulog ng
mga farmer- irrigators na dumalo sa year- end consultation meeting na
pinangunahan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan.
Ginanap ang
pagpupulong noong December 29, 2014 sa Kapayapaan Hall dito sa bayan kung saan
abot sa humigit kumulang 200 mga magsasaka ang dumalo.
Lumahok din sa
konsultasyon ang mga opisyal ng National Irrigation Administration -Libungan
River Irrigation Sytem o NIA- LibRIS.
Kabilang sa mga
lugar na nais matutukan ang clearing of irrigation canals ay ang Barangay
Palongoguen dito sa Midsayap; Barangay Sinawingan at Gumaga sa bayan ng
Libungan; at mga Barangay ng Tigbawan, Buluan, at Poblacion 2 sa Pigcawayan.
Sisikapin naman ng
tanggapan ng kongresista na suportahan ang nasabing pagsasaayos sa pamamagitan
ng food-for-work activities.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento