(Mlang, North Cotabato/ January 5, 2015) ---Posible
umanong paghihiganti ng grupo ni Abdul Ajiz Glang na inaresto ng mga otoridad
dahil sa illegal na droga ang isa sa mga anggulong sinusundan sa pagpapasabog
sa bayan ng Mlang bisperas ng pagsalubong ng bagong taon.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Mayor Joselito
Piñol batay naman sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad.
Ayon sa alkalde ang nangyari namang
pagpapasabog noong Nobyembre a-23 ng nakaraang taon ay posibleng extortion ng
grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF.
Samantala, magbibigay ng gantimpala ang
lokal na pamahalaan ng bayan ng M'lang, Cotabato para sa ikadarakip ng suspek
sa nangyaring pasabog noong Disyembre 31, 2014.
Napag-alaman na nasa P100,000 ang reward
para sa makapagturo ng sinumang nasa likod ng pagsabog na ikinamatay ng
dalawang sibilyan at pagkasugat ng 34 iba pa.
Patay on the spot si Kristine Salo, 28 ng
Barangay Bialong habang Enero 1 binawian ng buhay si Zenaida Suelo, 41,
residente ng Barangay Malayan.
Kaugnay nito sinabi ni Piñol na ang problema
ng pamomomba ay hindi lamang problema ng bayan ng Mlang kundi ng buong bansa
hangga’t may mga grupong may ideyalismo na magsabotahe ng kapayapaan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento