Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paghahain ng COC para sa SK election, nakatakda sa buwan ng Pebrero

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Tatanggap na ng Certificate of Candidacy o COC ang Commission on Elections o COMELEC sa mga lalahok sa Sangguniang Kabataan elections sa February 7, 9, at 10 ng kasalukuyang taon.

Batay sa COMELEC Resolution number 9905, magsisimula ang SK election period mula January 22, 2015, araw ng Huwebes hanggang March 2, 2015, araw ng Lunes, tatlumpung araw bago ang araw ng eleksyon at labinglimang araw pagkatapos nito.


Ang mga kakandidato ay dapat na Filipino citizens, nagkakaedad ng labinglimang taong gulang pataas pero hindi aabot ng labingwalong taong gulang sa araw ng halalan, nakakabasa at nakakasulat ng English, Filipino, o anumang lokal na pananalita.

Para naman sa mga kakandidato para maging miyembro ng Katipunan ng Kabataan, dapat residente ang mga ito ng barangay kung saan tatakbo at least, isang taon bago ang eleksyon at hindi pa nasasangkot sa anumang uri ng korapsyon.

Sa araw ng eleksyon, pipili ang mga botante ng isang SK chairperson at pitong SK Council members. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento