(North Cotabato/ January 6, 2015) --Nakubkob ng militar
ang sinasabing training camp ng BIFF matapos ang isinagawang mortar shelling at
ground assault ng militar sa bahagi ng Sitio Pedtad, Gen. Salipada K. Pendatun
sa lalawigan ng Maguindanao kahapon.
Ayon kay 33rd IB Commander Col. Markton Abo na
mabilis na nagsipulasan ang mga rebeldeng grupo at inabandona ang kanilang
kampo.
Matatandaan na naglunsad ng pag-atake ang militar na
nagsimula kahapon ng umaga gamit ang kanilang mga 105 howitzers.
Sinabi ni Col. Abo na ang nakubkob na kampo ay dating
okupado ng mga elemento ng 2nd Division ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
BIFF, na nagsisilbing launching pad ng kanilang mga tropa sa pagsasagawa ng
pag-atake sa mga posisyon ng militar sa mga bayan ng SK Pendatun at President
Quirino sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Matatandaan isang sundalo ang nasawi samantalang tatlong
iba pa ang sugatan makaraang magsagawa ng pag-atake ang BIFF sa Katico
Detachment ng 33rd IB sa bayan ng Pres. Quirino noong Biyernes ng gabi.
Hindi naman masabi ni Col. Abo kung may mga nasawi sa
panig ng BIFF sa isinagawang shelling ng militar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento