Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga dokumento para sa panukalang pagtatayo ng municipal ports sa Pigcawayan, North Cotabato hiniling na maisumite sa DOTC

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Hiniling ng Department of Transportation and Communication o DOTC sa lokal na pamahalaan ng Pigcawayan, North Cotabato at First Congressional District Office na ifacilitate ang pagsusumite ng mga dokumentong kinakailangan para sa panukalang magtayo ng municipal ports sa bayan ng Pigcawayan.

Nabatid na kabilang sa mga nagproposed na mapatayuan ng municipal ports ay ang mga barangay ng Datu Mantil, Cabpangi, Simsiman, Upper Pangankalan and Lower Pangankalan.


Kabilang sa mga required documents na hinihingi ng DOTC ay ang existing  development plans ng proposed site, detailed estimates, updated municipal socio- economic profile, existing traffic and description of vessels using the port at mga larawan ng lugar kung saan itatayo ang nasabing municipal ports.

Sa sulat komunikasyon mula kay DOTC Assistant Secretary for Planning and Finance Sherielysse Bonifacio, kinakailangan ang mga dokumentong nabanggit upang ma- assess at ma- evaluate ng kanilang tanggapan.

Dagdag ng opisyal, nakadepende rin umano sa mga dokumentong isinumite ng lokal na pamahalaan kung magkano ang pondong kakailanganin na siya namang tutukuyin at aaprubahan ng Department of Budget and Management.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento