Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pawnshop, hinoldap; guwardiya utas

Photo by: Ryan Silva of Sto. Nino, So.Cot
(North Cotabato/ January 7, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang guwardiya makaraang mapatay sa nangyaring hold-up sa Palawan Pawnshop sa public market sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato alas 1:30 ngayong hapon lamang.


Kinilala ni Police Chief Inspector Joel Fuerte ang biktima na si Richard Tabalong na walang abu-abong pinagbabaril ng mga suspek sabay pasok sa nasabing pawnshop.

Naka-upo lamang si Tabalong sa pwesto nito ng binaril ng mga suspek.

Nakasuot umano ng camouflage ang mga suspek at naka-sombrero na ngayon tinutugis na ng mga pulis.


Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya na dalawa ang suspek sa krimen na tumakas sakay ng Honda Wave na motorsiklo, kulay blue papuntang Bai Sarapinang, Bagumpabayan, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Fuerte na tinatayang P100,000 na halaga ng alahas ang nakuha sa nasabing pawnshop.

Gumamit ang mga ito ng martilyo sa pagkuha ng mga alahas.

Napag-alaman na magkapareho ang istilo ng panloob na nangyari sa Palawan Pawnshop sa Agencia Brillantes dito sa lungsod ng Koronadal. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento