(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Patay ang punong
barangay makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga riding in tandem assassins
sa National Highway ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato dakong alas
12:00 ng tangahali kahapon.
Kinilala ni PSI Basilio Parcon, ang OIC Chief of Police
ng Carmen PNP sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ang biktima na si Brgy.
Chairman Eliazar Pilapil na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib nito.
Batay sa ulat, galing ng bayan ng Carmen ang biktima
papauwi ng brgy. Ugalingan lulan ng kanyang motorsiklo ng buntutan ng riding in
tandem at pagdating sa bahagi ng Ugalingan ay pinagbabaril ang biktima.
Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero binawian
din ng buhay habang ginagamot sa ospital.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga
otoridad sa nasabing pamamaril at inaalam ang motibo ng insidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento