AMAS, Kidapawan City (Jan 9) – Upang madagdagan pa ang
kaalaman ng mamamayan ng Cotabato at masagot ang ilang mga mahahalagang
katanungan patungkol sa Bangsamoro Basic Law o BBL at sa itatatag na Bangsamoro
Government, pangungunahan ng Provincial Government of Cotabato ang isang forum
na Provincial Information, Education and Communication on BBL.
Gagawin ang
aktibidad sa Rooftop ng Provincial Capitol Building sa January 13, 2015 kung
saan mismong mga panelists ng Government of the Republic of the
Philippines-Moro Islamic Liberation Front o GPH-MILF at mga personnel mula sa
Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP.
Ayon kay Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, maganda ang layunin ng Bangsamoro Government
dahil nais nito na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Cotabato at sa
buong Mindanao.
Ngunit kailangan rin
daw na malinawan ang mga mamamayan sa mga pangunahing katanungan patungkol sa BBL
at Bangsamoro Government, ayon pa kay Gov. Taliño-Mendoza.
Ilan rito ay kung
ano ang mangyayari sa mga barangay sa Cotabato Province na magiging bahagi ng
Bangsamoro Core Territory at kung papano ang magiging sistema ng pamamahala sa
naturang mga barangay.
Sinabi ng
gobernadora na ito na ang pagkakataon ng mga Local Government Officials at iba’t-ibang
sektor sa lalawigan ng Cotabato na marinig ang kanilang saloobin sa BBL at
Bangsamoro Government.
Mahalaga raw, ayon pa
sa gobernadora na mapaliwanag sa mamamayan ang magiging epekto ng Bangsamoro
Government lalong lalo na sa usapin ng karapatang pantao, ekonomiya at lalo na
ng kapayapaan. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento