Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Mahigit P.8M na halaga, nalimas; LGU Kabacan “Business as usual” matapos ang nangyaring panloloob sa treasurer’s Office

(Kabacan, North Cotabato/ January 5, 2015) ---“Business As usual” pa rin sa ngayon ang tanggapan ng treasurer’s Office ng LGU Kabacan sa kabila ng nangyaring pagransak sa nasabing opisina.

Ito ayon kay Municipal Treasurer Prescilla Quiñones sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Sa katunayan, ayon sa opisyal ay marami pa rin ang pumupunta para kumuha, magbayad at mag-renew ng business permit na pormal ng nagsimula ang transaksiyon kahapon.


Sinabi ni Quiñones na batay sa ginawa nila pag-aacount kahapon, umaabot na sa P800,000 mahigit ang nakulimbat ng mga magnanakaw sa nasabing pagransak sa treasurer’s Office dahil sa may naiwan pa silang babayarin na allowances ng Senior Citizen, PDW, Day care Worker at mga ilang bonus ng empleyado kasama na ang collection ng Philhealth at iba pa.

Ayon sa opisyal, grabe ang pagkakasira ng mga magnanakaw sa mga vault ng treasurer’s office at pinahiga pa ito ng mga magnanaakw, na ayon sa imbestigasyon ng SOCO ay hindi kayang buhatin ng apat na tao ang nasabing vault.


Kaugnay nito, nananawagan ang taga-ingat yaman ng munisipyo sa mga tax payer at businessmen sa bayan ng Kabacan na kanila namang binabantayan ang pera ng taong bayan pero dahil sa nasabing insidente at mahabang holiday ay hindi naideposit sa bangko ang collection mula hapon ng December 29 hanggang December 31 ng nakaraang taon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento